Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carrot Man magiging Kapuso na?

Carrot Man magiging Kapuso na?

5Jeyrick Sigmaton aka carrot man1 copy

INSTANT kasikatan ang nararanasan ngayon ng Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton. Naging viral ang na-upload na photo niya sa social media na may pasang isang kaing na carrots.

Maagap ang team ng “Kapuso Mo Jessica Soho” na nag-effort puntahan si Jeyrick sa Mountain Province para interbyuhin.

Isinama pa siya sa Manila at naitampok din siya sa “Unang Hirit”, at sa “Wowowin” na nagkaroon siya ng pagkakataon na mameet ang kanyang idolo na si Willie Revillame.

May mga larawan ding kuha na kasama ni Jeyrick ang ilang GMA executives. Sen-yales kaya ’yun na magiging Kapuso na rin si Jeyrick?

Naalala tuloy namin si Marky Cielo, Ultimate Male Survivor ng “Starstruck 4.” Isang Igorot na taga-Mountain Province si Marky.

Nakakalungkot lang ang nangyari kay Marky. Hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang sanhi ng kanyang kamatayan.

comments