Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gwen Zamora set to wed

Gwen Zamora set to wed

Gwen Zamora

NADAGDAG si Gwen Zamora sa listahan ng celebrities na ikakasal this year.

Sa Dec. 10 ang kasal nila ni Jeremy Marquez sa isang simbahan sa Bohol.

Wala pang ibang detalye sa kasal nina Gwen at Jeremy.

Kumakandidatong vice mayor ng Parañaque City si Jeremy, kaya busy-bisihan muna sila sa gagawing pangangampanya.

Anak si Jeremy ng actor-comedian na si Joey Marquez na dating mayor ng Parañaque City.

Kabilang sa mga ikakasal this year ay sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Rufa Mae Quinto sa kanilang respective fiances na pawang foreigners.

Engaged na rin si Rochelle Pangilinan kay Arthur Solinap. Nagbuena-mano sina Vic Sotto at Pauleen na ikinasal noong Jan. 30 this year.

comments