Home » News » Local » Centenarian patay sa QC

Centenarian patay sa QC

Isang centenarian o 100 gulang na babae ang natagpuang patay sa kanyang barong barong sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Rosita Repal ng Samar at Tomana, Barangay Bagong Silang. Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Section ng QCPD-CIDU, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kapitbahay na si Mercy de Jesus ng puntahan ito sa kanyang bahay upang kumustahin ito. Walang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na dinala na sa RCJ Funeral Homes.

Sinabi ni Monsalve na maaaring namatay ang biktima dahil sa katandaan. Samantala, isang taxi driver ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan malapit sa isang simbahan sa Quezon City kahapon. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Eriberto Merano ng Mariano St., Sta. Mesa, Manila. (Francis T. Wakefield and Vanne Elaine P. Terrazola)

comments