Home » News » Local » Village chief inambush

Village chief inambush

Nakaligtas sa isang ambush ang chairman ng Barangay Acacia, Malabon City Sabado ng hapon. Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Victorio Trinidad, 64.

Ayon sa imbestigasyon, papunta ang biktima sa barangay hall sakay ng isang van ng may biglang pinatigil ito ng dalawang lalaking sakay ng pulang motorsiklo at nakasuot ng helmet, itim na T-shirt, at pantalon sa Ibarra St. sa naturang barangay.

Pinaputukan ng isang beses ng mga suspek ang van ng biktima at tumakas papuntang Sisa St. sa Barangay Acacia. Narekober sa lugar ang isang basyo ng bala ng kalibre .45. Sinabi ng biktima na suwerte at nakapagtago ng paputukan siya ng mga suspek. (Jel Santos)

comments