Home » News » News Roundup » Binatilyong snatcher, huli

Binatilyong snatcher, huli

Hindi nakaligtas sa pulisya ang isang binatilyo matapos mang-hablot ito ng mobile phone ng isang service crew sa Pasig City Lunes ng gabi.

Ang biktima na si Jacqueline Guatno, ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ay nakasakay sa isang tricycle pauwi ng kaniyang tahanan nang biglang hablutin ang kaniyang cellphone ng 16-anyos na suspek. Pilit na hinabol ng biktima ang suspek habang nagsisisigaw ito upang humingi ng tulong.

Nagkataon naman na nandoon si constable Freddie Garcia na siyang nakahuli sa suspek. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso dito.

comments