Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vivian quits soap, says co-star has bad attitude

Vivian quits soap, says co-star has bad attitude

vivian velez

NAG-RESIGN sa teleserye ng ABS-CBN 2 na “Tubig at Langis” ang veteran actress na si Vivian Velez dahil hindi na raw nito kayang i-tolerate ang kabastusan na pinapakita sa kanya ng co-star niyang si Cristine Reyes.

Nagpa-abot ng kanyang “immediate irrevocable resignation” si Vivian sa producer ng naturang teleserye na ang rason ay ang bad behavior na pinapakita ni Cristine sa kanya.

“With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, ‘Tubig at Langis’.

“I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!” pahayag pa ng aktres.

Sumosobra na raw ang kabastusan ni Cristine at hindi na raw tama iyon. Pinakagrabe raw ay ang sabihan siya ni Cristine na umalis sa dressing room dahil gusto niyang sa kanya lang ’yung kuwarto.

“Grabe siya. Bastos. Cristine would bang doors, shout at me, and sing ‘Goodbye, Farewell’ in front of my face while rehearsing… She wanted to humiliate me. She was happy to see me go,” diin pa ni Vivian.

Wala pang comment si Cristine tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Vivian.

Hindi na raw bago ang pinapakitang bad behavior ni Cristine Reyes sa kanyang mga nakakatrabaho. Hindi na lang daw nagrereklamo ang iba. Ultimo ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina ay naging biktima ng hindi magandang pag-uugali ni Cristine noon bago sila nagkaayos pagkatapos ng higit na isang taon.

Bagama’t ipinagtanggol ni Ara si Cristine sa isang TV interview. Sabi niya’y hindi lang naintindihan ni Vivian ang kapatid niya. (RUEL J. MENDOZA)

comments