Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aiko may bagong suitor

Aiko may bagong suitor

aiko melendez

MAY bagong suitor si Aiko Melendez. Sinabi niya ito kay Boy Abunda noong nag-guest siya sa “Tonight with Boy Abunda.” Pero anang aktres, nothing serious pa naman na nagaganap at nasa dating stage pa lang sila. Kumbaga, getting to know each other pa lang sila.

Foreigner ’yung huling nakarelasyon ni Aiko. Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Aniya, may mga nagsasabi nga raw na baka sa bandang huli’y sila pa rin ng ex-husband niyang si Jomari Yllana. May isa silang anak na lalaki, si Andre, 17 years old at magso-showbiz na rin.

Ang daughter naman ni Aiko na si Marthena ay anak niya sa former model na si Martin Jickain na kung tama kami ay isang chef na ngayon.

comments