Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Regine to star in TV rom-com

Regine to star in TV rom-com

10Regine Velasquez  copy copy

PAGKATAPOS ng limang taon na hindi gumawa ng teleserye, nagbabalik ulit ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagbida sa aabangang romantic-comedy teleserye ng Kapuso network.

Magbibida si Regine sa “Poor Señorita” at tinanggap niya ang project na ito dahil sa magandang kuwento nito at na-miss na rin niya ang gumawa ng teleserye.

Huling napanood si Regine sa teleseryeng “I Heart You Pare” noong 2011.

“Hindi ko pa nga natapos iyon because I got pregnant kay Nate. Si Iza Calzado ang pumalit sa akin, ’di ba?

“Umiwas din akong gumawa ng teleserye because I wanted to have lots of time with Nate. Gusto kong maging hands-on mom ako habang lumalaki siya.

“The only show I did then was ‘Sarap Diva’ kasi once a week lang naman ang taping ko.

“But now, he’s five years old na, he’s going to school na, puwede ko na siyang iwan sa yaya niya at mag-work na ulit ako sa teleserye,” sey ni Songbird.

Last year pa inalok si Regine na gawin ang teleserye na “Let the Love Begin” at ang Sunday show na “Sunday PinaSaya.” Pero tumangging gawin niya ang mga ito.

“Hindi pa ako handa to do a teleserye last year. Tapos gusto ko na libre ang Sundays ko para nagkakasama kami ni Ogie (Alcasid) at Nate.

“Tinanggap ko lang was to be a judge sa ‘StarStruck 6.’ Kasi once a week lang naman kami doon kaya puwede.

“Ngayon mas ready na ako. Si Ogie naman ang magyaya kay Nate this time!” tawa pa niya.

Makakasama ni Regine sa “Poor Señorita sina Snooky Serna, Jaya, Sheena Halili, Ervic Vijandre, ‘Starstruck 6’ runners-up Ayra Mariano and Elyson de Dios at mga Kapuso child stars na sina Jillian Ward, Miggs Cuaderno at Zymic Jaranilla. (RUEL J. MENDOZA)

comments