Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bea, Barbie, Joyce, and Louise make up Tween Hearts barkada

Bea, Barbie, Joyce, and Louise make up Tween Hearts barkada

GIRLFRIENDS

Kahit busy sa kani-kanilang trabaho, hinahanapan ng oras para magkita at mag-bonding ang tweenhearts barkada na sina Bea Binene, Barbie Forteza, Joyce Ching at Louise de los Reyes. Nananatiling matatag ang kanilang samahan.

Kamakailan lang ay nag-girl bonding sila. Tsikahan silang apat. Walang puwang sa kanila ang inggit o insecurity kung sino sa kanila ang nakakaangat ang career. Good vibes, happy lang ang apat na Kapuso stars.

Happy sina Bea, Joyce at Louise for Barbie na nagwagi bilang Best Actress sa 36th Oporto International Film Festival sa Portugal para sa indie film na “Laut” kung saan gumanap si Barbie bilang isang Badjao na ina.

Napapanood si Barbie sa “That’s My Amboy,” si Bea sa “Hanggang Makita Kang Muli,” si Joyce ay sa “Because of You,” samantalang may mga guesting naman si Louise sa GMA shows.

Happy nga pala si Bea sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa HMK. Nag-trending ang pilot telecast nito noong Lunes (March 7). Most challenging at biggest role ni Bea so far ang ginagampanan niya bilang isang feral child.

Aniya, talagang pinaghihirapan niya ang bawat eksena. Okey lang sa kanya kung naa-“award” (napagsasabihan, natatalakan) siya ng director nilang si Laurice Guillen.

comments