Home » News » News Roundup » 3 inutas sa inuman

3 inutas sa inuman

Tatlong katao ang binaril at namatay sa isang inuman Huwebes ng umaga sa Taguig City. Kinilala ng Taguig police ang mga biktima na sina alias “Buzz” at “Jay-Anne,” parehong nasa 30 taong gulang, at Richard Sabado, 28.

Ayon kay SPO2 Virgilio Almazan, may hawak ng kaso, binaril lamang umano ang mga biktima ng suspek na si Rashid Mama, 24, dahil may nakaalitan ito bago ang insidente.

Sinabi ni Almazan na umuwi ang suspek at kumuha ng baril pagkatapos ng kanyang alitan at pinagbabaril ang mga biktima ng madaanan niya itong nagiinuman.

Agad na nasawi si Jay-Anne samantalang nakatakas pa si Buzz na sugatan sakay ng isang motorsiklo pero inabutan ito ni Mama.

Pinagbabaril ni Mama ang biktima hanggang ito ay mamatay. Dinala si Sabado sa Taguig-Pateros District Hospital kung saan siya ay namatay din. Mabilis na nakatakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap. Napag-alamang dumadalaw lamang sina Buzz at Jay-Anne kay Sabado nang mangyari ang insidente.

comments