Home » News » Local » Dingdong says he’s never been dumped by a girl

Dingdong says he’s never been dumped by a girl

’KAALIW ang mga revelation ni Dingdong Dantes sa guesting niya sa “Tonight with Arnold Clavio.” Never pala siyang nabasted sa panliligaw niya dahil aniya, sinisiguro muna niya kung may chance siya talaga. Si Marian Rivera na asawa na niya ngayon ay sinusupladahan siya noon, kaya hindi raw niya naisip na sasagutin siya nito.

“Yang mukhang ’yan, babastedin?” sabi tuloy ni Arnold Clavio.

“May mga lalaki talagang guwapo at masuwerte,” dagdag pa ni Arnold.

Sinabi rin ni Dingdong na wala siyang iniyakang babae matapos silang mag-break. Lahat naman daw ng nakarelasyon niya’y maayos ang paghihiwalay nila. Ano kaya’ng reaction ni Karylle?

Inamin din ni Dingdong na nag-uuwi siya ng mga shampoo, sabon, colgate, toothbrush sa hotel. Pwede naman daw ’yun dahil kasama ang mga ’yun sa hotel bill. Pero never daw tuwalya at kumot.

Inamin din ni Dingdong na umiihi siya sa swimming pool. “Lumalayo naman ako. Nagpupunta ako sa gilid (laughs),” aniya.

’Kaaliw ang sinabi niya na nararanasan din niyang hindi magpalit ng underwear (salawal pa nga ang sinabi ni Dingdong). May mga pagkakataon daw kasing biglaan ang overnight stay niya, kaya hindi siya nakapagdala ng extra underwear.

“Pwede naming baligta rin (laughs),” aniya.

And yes, sa stature niya ngayon, hindi nahiyang inamin ni Dingdong na nagti-take home siya ng food sa ibang pinupuntahan niyang party. Inaalok naman kasi sa kanya ng host, kaya hindi niya matanggihan.

Another revelation, ang galing palang tumugtog ng drums ni Dingdong. Multi-talented talaga ang Kapuso Primetime King. Can act, can sing, can dance, can play musical instrument. Commissioner at Large pa si Dingdong ng National Youth Commission. Busy rin siya sa mga project ng Yes! Pinoy Foundation na siya ang head.

comments