Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Xian owns up, admits relationship with Kim

Xian owns up, admits relationship with Kim

Kim Chiu & Xian Lim

NAKAKABILIB ang ginawang pag-ako ni Xian Lim sa pagpapaliwanag tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ngayon ni Kim Chiu nang matanong sila sa presscon ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN primetime teleseryeng “The Story of Us.” Bilang siya naman ang lalaki, tama lang ang ginawa ni Xian.

Sabi ni Xian, “Before that, nag-apologize po ako na baka mapagod na kayo sa naririnig n’yong paulit-ulit na pahayag, ‘We’re happy… something special… it’s leveling up…’ Di ba lagi na lang pong ganun? But inunahan ko na po ng sorry.

“Sinasabi ko naman na hindi ako takot na aminin na mahal na mahal ko si Kim. Hindi ako takot na halikan siya, hindi ako takot ipakita sa lahat ng tao na mahal na mahal ko talaga si Kim. But at the same time po… ang sinasabi ko lang po, pag sinabi natin sa lahat baka lang po magkaroon ng kumplikasyon. Mayroon naman pong proper time, mayroon namang proper place para sabihin po sa lahat ang relationship po namin.”

Bakit sa tingin niya’y magkakaroon ng kumplikasyon? “Kasi po bukas na bukas po iyan e. Iyan lang po ang sa akin, that’s my personal take po roon, na once na binuksan n’yo iyan sa publiko baka lang po marami pong masabi, marami pong istorya na magawa. Minsan po mayroon pong dagdag-bawas, iyon po ang kinatatakutan ko. Natatakot ako na may mangyari pong masama sa relationship namin. So, pinoprotektahan ko lang po talaga.”

Gusto lang din daw proteksyunan ni Xian si Kim. “Kasi po pag si Kim ang nagsalita baka lang… iyon nga po ang ikinakatakot ko baka lang po mabigyan ng masamang kahulugan. Pero kung tinatanong n’yo po kung what’s my and Kim’s story, ang istorya po namin ni Kim ay nagmamahalan po kami,” pag-amin ng aktor.

Sa ngayon, ayaw raw nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon. “Iyon nga po hindi ko po binibigyan ng any kind of label po. I’m not opening it up to the public.” (GLEN SIBONGA)

comments