Home » News » Local » Caretaker dedo sa QC

Caretaker dedo sa QC

Natagpuang patay ang isang apartment caretaker sa Quezon City noong Sabado. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit ang biktima na si David Marcelo, 52, ng UP Bliss, Barangay San Vicente.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa kanyang kuwarto ng kanyang kapitbahay na si Jessie Foronda ng dalhan ito ng pagkain. Walang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima ang mga pulis. Dinala ang bangkay ng biktima sa Pacheco Funeral Homes. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments