Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruru walang takot sa aksyon

Ruru walang takot sa aksyon

Ruru Madrid

WALANG takot na ginawa ni Ruru Madrid ang isang delikadong eksena sa bago niyang series, “Naku Boss Ko!” Ang lakas ng loob ng Kapuso teen star na hindi nagpagamit ng double nang pasukin niya ang isang bahay na nasusunog.

Ayon kay Ruru, pinag-aralan naman muna niya kung ano ang dapat gawin bago sila nag-take. May mga precaution na paalala sa kanya ang mga taong nasa set na nakakaalam sa dapat at hindi dapat niyang gawin para hindi siya madisgrasya.

Isang political romcom ang “Naku Boss Ko!” kung saan si Gabbi Garcia ang kapareha ni Ruru.

Tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyang sistema ng pulitika sa ating bansa angmensahe ng seryeng ito na hated ng GMA News and Public Affairs.

Ipapalabas ito bago mag-eleksiyon sa May 9. Siyempre, may pampakilig din sa televiewers ang GabRu tandem nina Gabbi at Ruru.

comments