Home » News » Local » Siga utas sa Navotas

Siga utas sa Navotas

Isang umanong siga ang binaril at namatay sa Navotas City noong Sabado. Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Arman Quinajo, 63.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Allan Ogatia, may hawak ng kaso, kumakain ang biktima sa isang canteen sa Tres St., Barangay Barangay Daang-Haring bigla siyang barilin ng isang lalaking kilala lamang bilang “Bunso.”

Tumakas ang suspect sakay ng isang motorsiklo na nagaantay sa kanya. Sinabi ng mga pulis na maaaring isang alitan ang ugat ng pagpatay sa biktima. Samantala, isang construction worker ang sinaksak at napatay ng kanyang karibal sa pag-ibig sa Malabon City noong Sabado.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Frankie Lopez, 43. Ayon sa imbestigasyon, pumunta ang biktima sa bahay ng suspect na si Renz Guero, 41, isa ding construction worker, at hinarap ito dahil sa panliligaw nito sa kanyang nobya.

Nagresulta ito sa isang matinding alitan at bumunot ang biktima ng patalim at sinaksak ang suspek. Bumunot din ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima. Dinala ang dalawa sa ospital kung saan namatay si Lopez at nasa kritikial na kalagayan si Guero. (Ed Mahilum)

comments