Home » News » Local » Aiko kinikilig pa rin daw kay Jom

Aiko kinikilig pa rin daw kay Jom

FIRST time sasabak sa political arena si Jomari Yllana, kaya naman kahit hiwalay na sila ni Aiko Melendez, suportado siya ng kanyang ex-wife. Kandidato si Jomari para konsehal sa Parañaque.

Naging councilor si Aiko sa Quezon City, kaya ibinabahagi niya kay Jom ang mga nalalaman niya sa pulitika. Sa kanyang libreng oras, sumasama si Aiko sa pangangampanya sa kanyang ex-husband.

Inamin din ng aktres sa isang interbyu na kilig-kiligan pa rin siya kay Jom kapag tinitingnan niya ang kanyang ex-husband. Ibang klase raw kasi tumingin si Jom. He must be her greatest love, ayon pa kay Aiko.

Kaya siguro hindi nagtatagal ang pakikipagrelasyon ng aktres sa ibang lalaki.

Ano’ng malay natin? Baka sa bandang huli’y sila pa rin.

May kasabihang sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Magandang halimbawa ang dating aktor at aktres na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Nu’ng naghiwalay sila, nakipagrelasyon si Rosemarie sa ibang lalaki, si Eddie sa ibang babae.

After so many years ay nagkabalikan sila. Mas naging matatag ang kanilang relasyon. Sina Eddie at Rosemarie ang parents nina Michael de Mesa, Mark Gil (RIP) at Cherie Gil. (Rowena Agilada)

comments