Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rich says relationship with Ben is her ‘happiest ever’

Rich says relationship with Ben is her ‘happiest ever’

RICH

MAY rason kung bakit nagbu-bloom ngayon ang “StarStruck 4” First Princess na si Rich Asuncion.

Sa buwan ng April ay magse-celebrate sila ni Philippine Volcano rugby player na si Benjamin Mudie ng one-year anniversary bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Para kay Rich “happiest relationship ever” ang meron siya sa piling ng Australian-Filipino athlete.

Wala raw pormal na pagligaw sa kanya si Ben. Basta nagde-date lang daw sila at doon na raw sila nagkaroon ng relasyon.

“Hindi raw kasi uso sa kanila ang ligaw-ligaw. Kapag constant na ang pagde-date, parang iyon na ’yon.

“Na-confirm ko lang na kami na noong siya na ang magsabi. May kausap siya sa phone at tinawag niya akong girlfriend niya. So doon na naging official.

“April last year kami nagkakilala kaya iyon na ang official month namin,” ngiti pa ni Rich.

Nakilala na raw ni Rich ang pamilya ni Ben na dumating sa Pilipinas from Australia noong Pasko. Nakilala na rin ni Ben ang pamilya niya sa Bohol.

“Ang babait nila. Pinay kasi ang mother ni Ben kaya mabilis kaming nagkasundo.

“Tsaka si Ben mismo, napakabait na tao. Akala nila hindi marunong mag-Tagalog. Eh hasang-hasa mag-Tagalog si Ben kasi tinuruan naman siya ng Tagalog ng mother niya. Tapos tumira naman siya dito sa Pilipinas.

“Basta happy ako kasi bukod sa guwapo ay ang bait pa ni Ben.”

Malayo pa raw ang kasal sa kanilang dalawa.

“Marami pa kaming plano ni Ben. Tulad ko, gusto kong tapusin ang pag-aaral ko.

One year na lang at matatapos na ako sa Tourism course ko sa UP Diliman.

“Si Ben naman, marami siyang gustong gawin pa. Kaya makakapaghintay pa ang pagpapakasal.”

Kasama si Rich sa aabangan na teleserye ng GMA-7 na “The Millionaire’s Wife.”

Siya ang gaganap na best friend ng bidang si Andrea Torres. (RUEL J. MENDOZA)

comments