Home » News » Local » Ina mas hiyang sa foreigner

Ina mas hiyang sa foreigner

THANKFUL ang former ’90s sex symbol na si Ina Raymundo na isang foreigner ang naging mister niya at ama ng kanyang limang anak.

Canadian-Ukranian ang mister ni Ina na si Brian Poturnak. Ibang-iba raw kasi ang mga foreigner kumpara sa mga Pinoy lalo na pag dating sa pakikipagrelasyon.

“Hindi sila seloso lalo na kapag strong ’yung personality mo.

“Hindi talaga puwede ako sa Pinoy. I can’t imagine being married to a Filipino, kasi ’yung personality ko strong.

Mas nagku-complement ako sa foreigners,” ngiti pa niya.

Masyado rin daw seloso at insecure ang mga Pinoy na lalake lalo na kapag mas umaasenso sa career ang kanilang partner. Hindi raw tulad ng mga foreigner, okey lang sa kanila at walang competition.

Noong mag-decide si Ina na balikan ang showbiz, all out ang support ng mister niya. Ito pa raw ang nagtutulak kay Ina noon na subukan ang showbiz ulit.

“Paputul-putol ang pagbalik ko sa showbiz noon kasi parati akong nabubuntis. Pero si Brian na ang nagsasabi sa akin na try ko ulit ang showbiz kasi puwede pa rin daw ako kahit na lima na ang anak namin.

“Natutuwa siya kapag napapanood niya ako sa TV. Pati mga anak namin natutuwa sila na artista pala ako noon pa.

“Kaya tumagal kami ng more than 12 years kasi sobra siyang understanding at ako naman, kahit na busy sa career, naasikaso ko pa rin sila.”

Hindi raw problema ni Ina na magkaroon ng mistress si Brian dahil napaka-loyal nito sa kanya.

“Sana noon pa siya nambabae, ’di ba? Sunud-sunod akong nabuntis, sana nagkaroon na siya ng mistress. Pero wala, eh.

“If ever meron, siyempre hindi ako basta tatahimik lang. Manunugod ako! Hindi puwede sa akin ang mga babaeng ganyan.

Laban kung laban!” sabay tawa pa niya.

Kasama pala si Ina sa cast ng “The Millionaire’s Wife” ng GMA-7 kung saan bida si Andrea Torres. (RUEL J. MENDOZA)

comments