Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Karla’s career revived, thanks to son Daniel

Karla’s career revived, thanks to son Daniel

Karla Estrada

AMININ man o hindi ni Karla Estrada, “nabuhay” ang kanyang career dahil sa anak niyang si Daniel Padilla. Pati si Rommel Padilla na daddy ni Daniel. Aktibo ngayon si Rommel sa paggawa ng teleserye.

Si Karla naman ay pinapirma pa ng two-year contract ng ABS-CBN. May mga nakalatag nang projects for her. Given a choice, gusto niya ng isang travel show.

Bagay rin kung gagawa ng sitcom si Karla. Isama kaya sina Daniel at Rommel para happy family ang arrive? Suwerte talaga si Karla sa anak niyang si Daniel. Because of him, nagkaroon sila ng mala-mansion na tirahan at magagarang sasakyan. Nagkaroon sila ng komportableng buhay.

Donyang-donya ang arrive ni Karla at kung tutuusi’y hindi naman niya kailangang magtrabaho. Kayang-kayang suportahan ni Daniel ang mga pangangailangan niya and his siblings.

Gusto siguro ni Karla na may sarili siyang kita, hindi ’yung nakaasa lang siya kay Daniel. May talent naman si Karla at sayang naman kung hindi niya mapakinabangan ito. (Rowena Agilada)

comments