Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » From gay to bad, Mike Tan grows in journey as actor

From gay to bad, Mike Tan grows in journey as actor

mike tan

AFTER his gay role in “The Rich Man’s Daughter,” isa na namang character role ang naitoka sa Kapuso leading man na si Mike Tan sa bagong GMA teleseryeng “The Millionaire’s Wife.”

This time ay gagampanan niya ang role ng isang bad boy named Ivan na guguluhin ang dapat na maayos na buhay ng bidang si Andrea Torres.

“Ito ’yung tinatawag nating mabait pero bad boy.

“Medyo kumplikado kasi ito ’yung mga nakikita nating lalaking feeling nila’y hindi sila nakaka-offend, pero nakaka-offend na pala sila sa pananalita pa lang nila.

“Rough talaga ’yung attitude niya, pati pananalita niya.

“Tingin ko maraming mahihirapan doon sa character ni Ivan. Kasi bukod sa pagiging rough niya, hindi siya ganung kaedukado. Doon nila lahat makikita ’yun,” sey ni Mike.

Halos lahat din ng scenes ni Mike sa teleserye ay shirtless siya.

“Yung character ko kasi mara-ming tattoo. So kailangang ipakita namin iyon para ma-establish ’yung personality ng ginagampanan ko.

“Henna Tattoo naman iyon at almost two hours inilalagay ’yon sa katawan ko.

“Challenging siya kasi kailangang nasa kundisyon ang katawan ko parati.

“There’s no excuse para hindi ako mag-workout every day dahil kapag nasa set na baka bigla akong paghubarin ng shirt. At least, ready ako physically.”

Ilang beses na niyang nakatrabaho si Andrea kaya hindi sila nagkailangan noong gawin nila ang kanilang love scene sa teleserye.

“I’ve worked with Andrea before sa teleserye namin ni Carla Abellana na ‘Kung Aagawin Mo ang Langit,’ then nagkasama kami sa ‘Magpakailanman’.

“She’s very nice to work with at napaka-professional. May love scene kami na siya ang nasa ibabaw. Wala siyang arte sa katawan at okay lang kahit mahawakan mo siya. Para sa kanya, trabaho lang ang lahat kaya iaarte niya ang gusto ng director naming si Albert Langitan.” (RUEL J. MENDOZA)

comments