Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julian and Kylie: Friends in love?

Julian and Kylie: Friends in love?

Kylie and Julian

TIGAS sa katatanggi si Julian Trono na may relasyon sila ni Kylie Padilla. Na kesyo, friends lang daw sila.
Pero iba ang nakakarating na tsika sa amin tungkol sa kanilang dalawa.

Noong cast party raw ng “Buena Familia” ay magkasamang dumating sina Kylie at Julian. Lantaran daw ang sweetness ng dalawa.

Tipong nagkakadebelopan (o nagkadebelopan na) na raw ang mga ito.

Ayon pa sa tsika, tutol ang GMA Artist Center sa namamagitang closeness at sweetness nina Kylie at Julian.

Mapipigilan ba ang tibok ng puso? In love, age doesn’t matter. A few years older si Kylie kay Julian. She’s 22, Julian is 17 years old.

Wala pang pahayag si Robin Padilla sa isyu kina Kylie at Julian. Siguro naman, aware siya. Matanggap kaya ni Robin si Julian for his daughter?

comments