Home » News » Local » TV series bowing out soon?

TV series bowing out soon?

HOW true kayang nanganganib diumanong mapadali ang pagkawala sa ere ng isang TV series? Nakarating sa amin ang tsikang diumano’y namomroblema ang production staff sa isang cast member nito.

Diumano’y parati itong nagkakasakit. Matatandaang naging problema rin ito ng production staff sa ginawa nitong isang TV series. Kung anu-anong dahilan ang ibinibigay nito kapag ayaw nitong mag-taping.

Tsika nga ng isang reporter-friend nito, mismong presscon nga nito para sa isang TV show ay hindi nito sinipot.

Nag-a-attitude na naman ba ang celebrity na ito?

comments