Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Valeen tinakasan ang press

Valeen tinakasan ang press

Vallen Montenegro

BIGLANG disappearing act si Valeen Montenegro pagkatapos ng open forum sa presscon ng “Poor Señorita.” Iniwasan niyang matanong siya ng entertainment writers kaugnay ng hiwalayan isyu nina Ciara Sotto at Jojo Oconer.

Pagkakataon na sana ni Valeen sagutin ang patutsada ni Ciara sa post nitong “Wow! Kapal. Deny Pa More!” na bagaman blind item, may mga ispekulasyong si Valeen ang pinatamaan ni Ciara.

Sa kitchen daw dumaan si Valeen sa 17th floor ng GMA papuntang elevator, kaya natakasan niya ang press. Bawal kasi ang personal questions noong open forum, kaya walang nagtanong kay Valeen tungkol sa hiwalayan isyu nina Ciara at Jojo.

In any case, Valeen plays Piper Villon, pinsan ni Rita (Regine Velasquez-Alcasid) in “Poor Señorita.”

comments