Home » News » Local » 3 arestado sa buy-bust

3 arestado sa buy-bust

Tatlong katao ang nahuli sa isang buy-bust operation sa San Juan City noong Huwebes.

Kinilala ng San Juan City police ang mga suspek na sina Necita Ramos, alias “Chit,” 68, may asawa, walang trabaho; Girlie Arcillas, 44, may asawa, at Alberto Arcillas, 48, may asawa at taxi driver, lahat residente ng 13th Ave., Murphy, Cubao, Quezon City.

Ang mga suspek ay naaresto ng San Juan Police Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group sa kanto ng N. Domingo and F. Roman Sts., Barangay Balong Bato, pagkapatos magbenta ng isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer.

Nasamsam kay Ramos ang apat pang maliit na sachet ng hihininalang shabu at isang malaking sachet ng shabu.

Narekober din ang P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust operation sa mga suspek.

Nahararap ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Francis T. Wakefield)

comments