Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Hale boy is Louise’s new love

Hale boy is Louise’s new love

Louise

KUNG may non-showbiz girlfriend si Enzo Pineda na ex-boyfriend ni Louise delos Reyes, meron na ring nagpapakilig at nagpapasaya ng puso ngayon ng ex-girlfriend ni Enzo.

Si Champ Lui Pio na miyembro ng bandang Hale ang someone special ngayon ni Louise. If the name sounds familiar, si Champ ang ex-boyfriend ni Bianca King. ’Heard, may non-showbiz BF naman ngayon si Bianca.

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon kina Enzo at Louise, sangkot si Aljur Abrenica. Nagkasama sina Louise at Aljur sa “Kambal Sirena” at ayon sa tsika, diumano’y nag-break sina Enzo at Louise dahil kay Aljur. No confirmation, no denial mula sa kanila.

May tsika ring diumano’y nag-break sina Aljur at Kylie Padilla dahil kayLouise. Wala ring pag-amin o pagtanggi mula kina Aljur at Louise. Pero nagpatutsada si Kylie kay Louise.

Nali-link ngayon si Kylie kay Julian Trono. Ang press release nila, friends lang sila. Pero iba ang sinasabi ng mga taong nakakaalam ng totoong estado ng kanilang relasyon.

Tahimik lang ang lovelife ni Aljur. Walang nali-link sa kanya. O, baka naman discreet lang siya para hindi mapagpistahan ng press ang kanyang lovelife?

Pinagdududahan naman ang collection ngayon ni Aljur ng mga expensive cars at gold wristwatches. Isyu ’yun sa hunk actor at nagtatanong ang mga intrigero’t intrigera kung may benefactor ba raw si Aljur?

Depensa ng kanyang kampo, may naipon naman daw si Aljur noong kasagsagan ng kanyang career sa GMA. Nakapagpundar siya ng business, nakapagpatayo ng resort sa Batangas at magandang bahay sa QC for his family.

comments