Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sen. Grace kilig much sa support ni Gabby

Sen. Grace kilig much sa support ni Gabby

Gabby and Grace poe

Present si Gabby Concepcion sa political rally ng Partido Galing at Puso (PGP) sa Bacolod City noong Biyernes (Marso 18) upang iendorso ang kandidatura ni Sen. Grace Poe bilang pangulo ng Pilipinas.

Sinalubong ng hiyawan ang bidang “Because of You” ng GMA7 ng mahigit 24,000 kataong nanood sa Bacolod Plaza ng rally ng mga kandidato ng PGP na pinangungunahan ni Grace at kaniyang running mate na si Sen. Chiz Escudero.

“Grace Poe is my personal friend. Mine is a personal choice. I have no political agenda. She supported me back in the days. She has my support… anytime!,” sey ng post ni Gabby sa Instagram pagkatapos ng rally kasama ng picture nila ni Grace noong 1981.

Pihadong kilig much ang anak ni “Da King” Fernando Poe Jr. dahil teenage crush niya ang 1980s matinee idol.

“When we were teenagers, Gabby, Alfie Anido and Albert Martinez were the (stars) who were really cute!” sey ni Grace nang matanong tungkol sa kaniyang teenage crush sa isang forum ng isang pahayagan kamakailan.

Noon nga raw sumailalim siya sa tonsillectomy noong siya ay bata pa, dinala pa ni Da King si Gabby sa hospital para sorpresahin si Grace.

“Noong ako’y Grade 5, nagkaroon ako ng tonsillectomy, or Grade 6 bayun? Ang tatay (FPJ) ko takot na takot. Kaya ang unang bisita ko si Gabby Concepcion,” natatawang kwento ni Grace.

“Paggising ko ulit, nandoon naman si William Martinez,” sabi pa ng senadora habang pinupunto kung gaano siya ini-spoil ni Da King noong siya ay bata pa.

comments