Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Snooky worried about Regine fans

Snooky worried about Regine fans

SNOOKY Serna

ISANG dating pulitiko ang special someone ngayon ni Snooky Serna. Aprub naman ang dalawang dalagang anak niyang sina Sam (22 years old) at Sachi (19).

Si Marina Benepayo naman ang current love ni Ricardo Cepeda, Snooky’s ex-husband at father ng mga anak niya. May mga anak din ang una from a previous relationship.

Kasama si Snooky sa cast ng “Poor Señorita” kung saan kontrabida role ang natoka sa kanya. Pero may pagka-comedy naman ang dating ng karakter niya bilang sakim na tiyahin ni Regine Velasquez.

Ani Snooky sa presscon ng PS, ninenerbiyos siya sa fans ni Regine. Baka raw siya ma-bash ng mga ito. “Ang dami kayang fans ni Regine. Pero sana, isipin na lang nilang trabaho lang, walang personalan ito,” ani Snooky.

comments