Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom hindi pinatulan si Baron

Tom hindi pinatulan si Baron

TOM Rodriguez

NASA abroad ngayon si Tom Rodriguez at dinalaw ang kanyang pamilya (parents and siblings) sa United States. Sa April na ang balik niya sa Pilipinas.

Si Tom ang na-blind item na hunk actor na inaway sa viber ni Baron Geisler. Pero hindi niya pinatulan si Baron.

Iwas-gulo lang si Tom. Marami ang humanga sa pagiging cool-headed ni Tom.

Tungkol naman sa kanila ni Carla Abellana, going strong ang kanilang relasyon. Wala pa ring pormal na pag-amin mula sa kanilang dalawa na kesyo, walang label ang kanilang relasyon.

Ang papa ni Carla na si Rey Abellana ay nagpahayag na botong-boto siya kay Tom for his daughter. Nag-e-effort daw kasi si Tom makipag-communicate with him at mapalapit sa kanya. Di raw tulad ng ex-boyfriend ni Carla na tahimik lang. Ikaw ba ’yun, Geoff Eigenmann?

By the way, happy si Carla na extended ang “Because of You.” Maraming viewers ang natutuwa at kinikilig sa characters nila ni Gabby Concepcion bilang Jaime at Andrea. May chemistry sila despite their age gap.

comments