Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Manager says Jen’s not pregnant

Manager says Jen’s not pregnant

25jennylyn copy

PERSISTENT ang rumor na diumano’y pregnant si Jennylyn Mercado, courtesy of Dennis Trillo. Hindi pa nga sila pormal na umaamin na nagkabalikan sila, buntis agad?

Sabi nga nila, “What you see is what you get.” Kung saan-saan na nga sila nagpupunta na magkasama sila. Kaya nabuo ang hinala ng iba na baka nga buntis si Jennylyn.

Mariing itinanggi naman ng manager ni Jen na si Becky Aguila na buntis ang Kapuso actress. Pinagtawanan lang nito ang tsikang nagdadalang-tao ang kanyang alaga. May hormonal imbalance raw si Jen dahil sa stress. Kulang siya sa tulog/pahinga at nutrition. Parati nga raw may menstruation ang aktres dahil du’n. Yun daw ang ginagamot ng OB-gynecologist ni Jen.

Samantala, tampok si Jen sa Lenten Special ng APT Entertainment ngayong Black Saturday. Pinamagatang “Pagsubok,” kasama niya rito si Tom Rodriguez at mapapanood ito sa GMA7, 7:30 to 9 p.m.

By June ay sisimulan na ni Jen ang bago niyang teleserye sa GMA. Tinatapos pa niya ang pelikulang “Just the 3 of Us” with John Lloyd Cruz under Star Cinema.

comments