Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Arci’s love scenes with Jake, Gerald just for show

Arci’s love scenes with Jake, Gerald just for show

27arci_munoz copy copy

WALA ring masabi si Arci Muñoz sa tsismax na siya ang naging isa sa dahilan ng paghihiwalay nina Jake Cuenca at ang American dyowa nitong si Sara Grace Kelly.

Pinagselosan daw nito si Arci dahil sa intimate scenes nila sa katatapos pa lang na “Pasion de Amor” ng ABS-CBN.

Marami nga silang sizzling hot scenes together at naging isyu nga raw ito sa pagitan nina Jake at Sara Grace.

Pero itinanggi na ito ni Jake at ang talaga raw dahilan ay ang long-distance relationship nilang mahirap i-sustain.

Aminado naman sina Jake at Arci na naging close sila sa isa’t isa during the taping ng nasabing teleserye, pero hindi ito umabot sa puntong niligawan niya ang aktres katulad ng nangyari kina EJ Falcon at Ellen Adarna.

Gandang-ganda si Jake kay Arci at nasiseksihan siya rito, pero puro lang paghanga ang tingin niya sa kanyang love interest.

Ang haba nga ng hair ngayon ni Arci dahil siya ang pinakabagong crush ng bayan.

Tahimik nga ang lovelife nito bagamat minsan ding na-link siya sa vocalist ng isang rock band at sa isang anak diumano ng prinsipe ng Brunei.

Pagkatapos ng breakup niya sa nasabing vocalist, mukhang sa career na talaga ito nag-concencrate lalo na sa pag-arte at mukhang tinalikuran na rin nito ang pagiging isang rock singer.

For a while ay natsismis din siya kay Gerald Anderson habang ginagawa nila ang pelikulang “Always Be My Maybe” na kumita sa takilya. Pero namatay ang tsismis dahil tila wala naman talagang naging espesyal na pagtitinginan ang dalawa bukod sa pagiging magkatrabaho.

comments