Home » News » Local » Helper binangungot

Helper binangungot

Natapuang patay ang isang stay-in helper ng kanyang amo sa kanyang kuwarto sa Pasay City noong Huwebes Santo.

Kinilala ng Pasay police ang biktima na si Hadji Rivero, 39, ng Kalayaan Village, Barangay 201, Zone 20.

Ayon kay PO3 Giovanni Arcinue, may hawak ng kaso, napansing hindi inilabas ng biktima ang basura ng kanyang amo na si Erlinda Malapitan.

Kinatok ni Malapitan ang kuwarto ni Rivero pero hindi ito pinagbuksan. Sapilitang binuksan ni Malapitan ang kuwarto at ginising si Rivero pero napansing wala na itong pulso.

Tumawag si Malapitan ng pulis na nagsabing maaaring namatay ang biktima sa bangungot. Dinala ang bangkay ng biktima sa Veronica Funeral Homes sa Pasay. (Martin A. Sadongdong)

comments