Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jasmine spends Holy Week in La Union with rumored BF

Jasmine spends Holy Week in La Union with rumored BF

Sa Australia nag-Holy Week si Anne Curtis. Ang sister naman niyang si Jasmine Curtis-Smith ay sa San Fernando, La Union nagpunta. Tagaroon kasi ang rumored boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega. Owner ng isang beach resort doon ang pamilya nito.

JASMINE CURTIS

Malamang inimbita si Jasmine ng pamilya Ortega na doon mag-Holy Week. Wala pang confirmation o denial mula kay Jasmine sa estado ng relasyon nila ni Jeff. The fact na doon siya nag-Holy Week, ano pa ba ang ibig sabihin nu’n?

Mukha naming botong-boto si Anne kay Jeff for her sister. Sey mo, Sam Concepcion?

Sa isang interbyu sa ex-boyfriend ni Jasmine, sinabi niyang several times siyang nag-effort makipagbalikan kay Jasmine.

Sam claims single siya ngayon. Pero naka-move on na siya sa break-up nila ni Jasmine.

Just curious, ano kayang meron ang magkapatid na Anne at Jasmine? Bakit kaya hindi agad-agad sila mapalitan ng respective ex-boyfriends nilang sina Sam Milby at Sam Concepcion? Uy! Pareho pang Sam ang first names. (Rowena Agilada)

comments