Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Starstruck’ runners-up win instant roles

‘Starstruck’ runners-up win instant roles

27Ayra-Mariano copy

PERSONAL choice ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na mapasama sa kanyang pinagbibidahang primetime teleserye sa GMA-7 na “Poor Señorita” ang “StarStruck 6” runners-up na sina Elyson de Dios at Ayra Mariano.

Mas naunahan pa tuloy ng dalawa ang mga nanalo na sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Isa kasi sa naging judge si Regine ng “StarStruck 6” noong nakaraang taon kaya alam niyang malaki ang potensyal ng dalawang napili niyang makasama sa pagbabalik niya sa teleserye.

“Ang cute kasi nilang tingnang dalawa. Kaya noong mag-cast sila ng puwedeng loveteam sa show, ako’ng nag-suggest sa dalawa,” kuwento pa ni Regine.

Tuloy, parang na-pressure ang dalawang baguhan dahil first choice nga sila ni Regine.

Ayon pa kay Ayra: “’Yung pressure na ‘yun, gagawin nalang naming positive para ma-challenge kami na mas pagbutihin namin ‘yung acting naming dito. Hindi po naming inaasahang mabigyan kami agad ni Elyson ng teleserye kasi hindi naman po kami ang winners. Pero we are happy na nabigyan kami agad. Parang dream come true na makatrabaho si Miss Regine.”

Si Elyson naman ay overwhelmed din dahil marami siyang eksenang kasama si Regine.

“Nabubulol nga po ako!” tawa pa niya.

“Hindi po ako masyadong magaling pa sa Tagalog ko. I’m Cebuano po kasi. Minsan lumalabas ang punto ng Bisaya.

“But I am learning every day. Yung mga natutunan naming sa workshop during ‘StarStruck’ ay ina-apply nanamin ni Ayra dito sa Poor Señorita.”

Bilang loveteam, gusto nila Elyson at Ayra na mag-work ang kanilang tambalan. Mas matanda nga lang ng tatlong taon si Ayra kumpara kay Elyson.

Elyson is only 15 years old samantalang 18 years old na si Ayra.

“Wala naman po iyon sa edad. Kung maayos naman ang working relationship naming ni Elyson, age will not matter,” diin ni Ayra.

Mas okey nga raw kay Elyson na mas older sa kanya ang babae.

“Mas type ko ang may experience na sa buhay. Mas marami akong matutunan sa gano’ng klaseng girl kesa sa mas bata pa sa akin.

“Mature naman po ako for my age kaya I want to learn as much as I can sa trabahong ito,” pagtatapos ni Elyson.
(RUEK J. MENDOZA)

comments