Home » News » News Roundup » Matanda pisak sa dumptruck

Matanda pisak sa dumptruck

Isang lalake ang namatay ng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo at masagasaan ng isang dumptruck sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City noong Linggo.

Kinilala ng Eastern Police District ang biktima na si Reynaldo Cabuello, 61, ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Sandoval Ave. ng bumangga ito sa dump truck na minamaneho ni Edwin Alalang, 59, ng Paombong, Bulacan pagdating sa kanto ng Villacuana I.

Tumilapon ang biktima at nasagasaan ng kanang gulong sa harap ng truck.

Dinala ang biktima sa Pasig City General Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

comments