Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » It’s complicated on ‘Love Hotline’

It’s complicated on ‘Love Hotline’

DION Ignacio

Kakaibang love triangle ang mapapanood sa “Love Hotline” kasama si Ms. Jean Garcia ngayong Biyernes (April 1) ng umaga, 10:30 sa Kapuso Network.

Sundan ang complicated love story nina Aya, Jake at Gino na gagampanan ng mga Kapusong sina Dion Ignacio, Arianne Bautista, Marika Sasaki at Lance Serrano.

Matagal nang in-love si Jake kay Aya kaya lang si Aya ay in-love kay Gino, ang kabarkada nilang may girlfriend na.

Naiwang luhaan si Aya lalo na’t pinagbubuntis niya ang anak nila ni Gino. Si Jake ang sumalo kay Aya, sa birthday ng anak ni Aya, biglang sumulpot si Gino. Ngayong nagbabalik si Gino sa buhay ni Aya at anak nila, sino ang mas may karapatan sa puso ni Aya?

comments