Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sef moves on after contract cancellation

Sef moves on after contract cancellation

2Sef Cadayona copy copy

WALA raw sama ng loob ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona nang palitan na siya ng Cornetto Ice Cream bilang endorser nila.

Ang JaDine loveteam nila James Reid at Nadine Lustre ang siyang pumalit sa kanya sa bagong commercial ng naturang ice cream brand.

Ayon kay Sef, okey lang daw ’yun dahil pitong taon din daw siyang naging endorser ng naturang produkto at napasikat niya ang “20 Pesos” ad campaign ng Cornetto.

“Nagsimula akong maging endorser ng Cornetto in 2009. Doon nag-start ’yung ‘20 Pesos’ na campaign nila.

“Naging series siya dahil marami ang natuwa at patok ’yung ‘20 Pesos’ na campaign.

“So seven years akong gumawa ng commercials for them at malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil nakilala ako because of that.

“Tumatak na sa isipan ng marami ang ‘20 Pesos’ series kaya hindi naman ako agad makakalimutan kahit hindi na ako ang endorser ng Cornetto,” ngiti pa ni Sef.

Aware naman daw si Sef na ang JaDine loveteam na ang papalit sa kanya.

“Sinabi naman nila sa akin that they want to focus on loveteams. Kaya perfect daw sina James Reid at Nadine Lustre sa bagong commercial concept nila.

“Kaya if they want to go in a different direction, walang issue sa akin iyon,” diin pa niya.

Natapos na ang weekly comedy series ni Sef na “Juan Tamad” pagkatapos ng dalawang seasons.

“Nakakatuwa dahil marami kaming pinasaya at nabigyan ng aral dahil sa ‘Juan Tamad.’

“May mga gustong ibalik ang ‘Juan Tamad’ dahil sa mga magagandang aral na binabahagi namin. Hopefully magkasama ulit kami ng buong cast.”

Napapanood pa rin naman si Sef sa “Bubble Gang” at babalik ang character niya sa “Vampire ang Daddy Ko.” May natapos din siyang isang episode para sa “Dear Uge.” (Ruel J. Mendoza)

comments