Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Snooky: Feeling ko Tita Glo ako

Snooky: Feeling ko Tita Glo ako

2snooky serna copy copy

VERY thankful si Snooky Serna dahil never pa raw niyang naranasan ang mabastos ng mga artistang mas bata sa kanya.

Aware si Snooky sa naging issue between Vivian Velez and Cristine Reyes, pero wala naman daw siyang masasabi tungkol dito dahil hindi raw niya alam ang buong pangyayari.

“Mahirap na mag-comment tayo kasi wala naman ako roon at hindi ko alam ang buong istorya.

“May nakapagsabi lang sa akin about that. Nakakalungkot lang isiping may mga ganyang nangyayari sa workplace natin.

Na dapat ay masaya lang kasi pare-pareho tayong mga artista.

“We should be helping and respecting one another, ’di ba?” diin pa ng former Regal baby.

Natutuwa naman si Snooky na kahit saang teleserye siya makasama ay nagiging kaibigan niya ang lahat ng mga tao.

Ang sikreto raw niya ay ang kanyang pag-smile sa lahat ng mga tao sa set.

“Iba kasi when you smile at people, eh. They lighten up at nagi-ging approachable ka.

“May kilala akong ibang mga artista na darating sa set na nakasimangot o parang mainit ang ulo. Siyempre, sino naman ang gustong bumati sa ’yo kapag mukha kang masungit, ’di ba?

“Ako naman, I don’t take my problems on the set. I am there to work and be cordial to my co-workers.

“Mas maganda ’yung very nice and friendly ang environment na-ting lahat,” ngiti pa niya.

Kaya sa set ng teleserye na “Poor Señorita” ng GMA-7, kahit na kontrabida ang role ni Snooky kay Regine Velasquez-Alcasid, magiliw pa rin daw sa kanya ang mga batang co-stars n’ya.

“Feeling ko si Tita Glo (Gloria Romero) ako. Kinaaaliwan ako ng mga bata.

“I love being with kids lalo na dito sa teleserye namin, maraming mga young actors.

“It’s nice that they see me as a friend and not just their co-actor.

“Through that friendship with them, nakaka-share ka ng mga advice sa kanila. Dumaan din ako sa mga edad nila as a child actor hanggang sa maging teen actress tayo.

“My advice lang to them is to enjoy their youth but be professional sa trabaho,” pagtatapos pa ni Snooky Serna.
(RUEL J. MENDOZA)

comments