Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » BIFF field commander arestado

BIFF field commander arestado

Arestado ang isang field commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dahil sa kasong double murder sa isang operation sa Cotabato City kamakailan.

Kinilala ni Director Victor Deona, hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, ang suspect na si Zainudin Kawilan.

Naaresto ang suspect dahil sa mga impormasyong ibinigay ng mga impormante sa mga otoridad.

“He is a field commander of the Special Operations Group of the BIFF,” sabi ni Deona.

Ayon kay Deona, responsable si Kawilan sa mga pambobomba, ambush sa mga pulis at sundalo, at pagsalakay sa mga vital installations sa ilang bahagi ng Mindanao.

Idinagdag ni Deona na palagi si Kawilan sa Cotabato City kung saan isa siyang gun-for-hire. “We have reports that he is involved in gun-for-hire activities,” sabi ni Deona.

comments