Home » News » Local » Driver utas sa aksidente

Driver utas sa aksidente

Patay ang isang truck driver sa isang malagim na aksidente sa loob ng isang construction site sa E. Rodriguez Jr. Ave., Barangay Damayang Lagi, Quezon City noong Sabado.

Kinilala ni Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na si Elieser Sanchez, 30, ng Disiplina Village, Ugong, Valenzuela City.

Ayon kay Monsalve, nagdedeliver ng semento ang biktima sakay ng isang cement mixer ng mawalan ito ng kontrol at bumangga sa nakatambak na buhangin.

Tumagilid ang cement mixer at nadaganan si Sanchez na agad nitong ikinamatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments