Home » News » Local » Pulis, barker utas sa barangay chairman

Pulis, barker utas sa barangay chairman

Pinagbabaril hanggang mamatay umano ng isang barangay chairman ang isang bagitong pulis at barker sa Caloocan City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Richmon Mataga, 22, taga-Malate, Manila; at Michael Serrano, 32, barker, ng Lubao, Pampanga.

Base sa salaysay ng saksing si Danilo delos Reyes, 30, ayon kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan police, kinompronta ng suspect na si Ronald Roi “RR” Romero, 30, chairman ng Barangay 128, si Serrano dahil sa ginawa nito sa kaibigan niya.

“Kinompronta po niya si Michael dahil sa pagba-barker sa puwesto ng kaibigan niya. Nagsumbong po iyong tao niya. Pinabugbog po niya si Michael sa mga tanod niya,” sinabi ni Delos Reyes.

Sinabi ni Delos Reyes na tumakbo si Serrano pero hinabol siya ni Romero na may dalang baril. “Nakatakbo po si Michael pero hinabol po siya ni Kapitan Romero at pinagbabaril,” he said.

Pauwi na si Mataga galing trabaho ng marinig niya ang mga putok ng baril at rumesponde. Nagpaputok ng baril si Mataga bilang warning shot para itigil ni Romero ang pagbaril kay Serrano.

Inutusang sumuko si Romero pero pinagbabaril nito si Mataga. “Nagpalitan na po sila ng putok nung tumangging ibigay ni kapitan iyong baril niya. Una pong nagpaputok si kapitan,” sabi ni Delos Reyes.

Bumulagta na lamang ang dalawa sa kalye pagkatapos ng putukan. Dinala ang tatlo sa ospital kung saan idineklarang patay si Mataga at Serrano. Nasa kritikal namang kalagayan si Romero dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan. (Jel Santos)

comments