Home » News » Local » Scavenger patay sa QC

Scavenger patay sa QC

Isang scavenger ang natagpuang patay sa isang Metro Rail Transit station sa Quezon City noong Biyernes.

Nakilala ang suspect sa pangalang William Rivas, tinatayang 32 taong gulang, at tubo umano ng Batangas.

Natagpuan ang bangkay ni Rivas sa ilalim ng MRT Quezon Ave. station sa Barangay Pinyahan. May tangkad ang biktima na five feet at nakasuot ng itim na T-shirt at blue short pants ng ito ay matagpuan.

Ayon sa mga pulis, nakita ng isang pedestrian ang biktima na nakahiga sa plywood na nakapatong sa isang poste ng MRT. Lumapit ang pedestrian at nagula ito ng mapansing patay na ang biktima at may nakatali ng nylon cord and kanyang leeg, braso, at mga paa.

Kaagad na ipinagbigay alam ng saksi ang insidente sa mga pulis na nagtamo ng mga sugat ang biktima sa kanyang dibdib at braso.

Sinabi ni PO2 Jim Barayoga, may hawak ng kaso, ng QCPD-CIDU na namatay sa sakal ang biktima. Maaaring napagtripan ang biktima kaya ito pinatay, sabi ni Barayoga.

“Parang napagtripan yan. Kasi bakla daw yang biktima pero mabait at wala namang kaaway,” sinabi ni Barayoga base sa testimonya ng kapwa palaboy ng biktima.

Nasa Light Funeral Homes sa Quezon City ang bangkay ng biktima. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments