Home » News » News Roundup » Ex-police asset itinumba

Ex-police asset itinumba

Patay ang isang dating police asset pagkatapos pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang lalake sa Pasig City noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng Pasig police ang biktima na si Norvin Ortega, 37, ng FRC Villa Guapo, Barangay Palatiw.

Ayon sa imbestigasyon, nagsusugal ang biktima sa Sampaguita St., Caruncho Compound, Barangay Palatiw nang biglang lumapit ang mga suspect at pinagbabaril si Ortega.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima pero nakatakbo ito at hinabol ng mga suspect. Naabutan ng mga suspect ang biktima at pinagbabaril pa ito hanggang mamatay.

Sinabi ng ama ng biktima na maaaring pinatay ang kanyang anak dahil sa pagiging police asset nito dati. Hinahanahap ngayon ng mga pulis ang mga kalaro ng biktima upang magbigay ng pahayag tungkol sa insidente. Nagsasagawa na rin ang nga pulis ng follow-up operation laban sa mga suspect.

comments