Home » News » Local » Oyo and Kristine expecting third baby

Oyo and Kristine expecting third baby

MAGIGING lolo na naman si Vic Sotto. Six weeks pregnant ang daughter-in-law niyang si Kristine Hermosa sa third baby nila ni Oyo Sotto (Vic’s son sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie).

Bale magiging apat na ang anak nina Kristine at Oyo na ’yung isa’y inampon ni Kristine noong dalaga pa siya. Ito ’yung bagets na napapanood sa isang commercial kasama si Kristine. Noong naging mag-asawa na sina Oyo at Kristine ay in-adopt ni Oyo ang bagets para maging Sotto na rin ang apelyido nito.

Mukhang hindi na interesado si Kristine balikan ang pag-aartista. Hanggang paggawa na lang yata siya ng commercial.

Mas happy siya bilang isang fulltime housewife and mother. Puring-puri nga siya ng sister-in-law niyang si Danica (kapatid ni Oyo). Hands-on mom daw si Kristine at super maalaga sa mga anak at kay Oyo.

Ayon pa kay Danica, marunong si Kristine sa mga gawaing-bahay na hindi niya inakala noong una. Tingin daw niya kasi noon kay Kristine ay wala itong kaalam-alam sa household chores.

Naunahan ni Oyo Sotto ang kanyang daddy Vic na makabuo ng baby. January this year ikinasal sina Vic at Pauleen Luna.

Nag-honeymoon na sila sa Maldives and recently ay sa Los Angeles, USA.

Gustung-gusto na ni Pauleen mabuntis dahil mahilig siya sa bata. Excited na siyang maging mommy at mag-alaga sa magiging baby nila ni Vic.

Expectant mothers sa showbiz sina Isabel Oli, Chynna Ortaleza, Nadine Samonte, Iya Villania, Kristine Hermosa, Toni Gonzaga (na wala pang pag-amin), Michela Cazzola (girlfriend ni James Yap), and who else?

comments