Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Papin’s daughter begrudges dad

Papin’s daughter begrudges dad

Imelda Papin

SI Julia Barretto ba ang peg ng anak nina Imelda Papin at Bong Carrion na si Maffi? After all these years na gamit niya ang apelyido ng kanyang biological father, pinost ni Maffi sa kanyang social media account na itinatakwil na niya ang apelyidong Carrion. Former vice governor ng Camarines Sur si Bong Carrion.

Nag-iisang anak si Maffi nina Bong at Imelda. Nasa early or mid-30’s na si Maffi at may anak na rin siya. Naka-base ang pamilya ni Maffi sa United States. Ewan lang kung together pa rin sila or hiwalay na sila ng kanyang hubby.

Base sa post ni Maffi, puno siya ng galit sa kanyang daddy. Mukhang may kinalaman sa pera ang pinanggagalingan ni Maffi. Mukhang KSP (kulang sa pansin) si Maffi at nanghihingi siya ng atensiyon sa kanyang daddy. Could it be beyond money ang ikinagagalit ni Maffi sa kanyang ama?

Ano kaya ang reaction ni Imelda sa post ng kanyang only daughter? Curious din kami kung together pa rin kaya si Imelda and her boyfriend na doctor. Sa pagkaalam namin, may-ari ito ng isang hospital sa US.

comments