Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Andre, Barbie kinikilig

Andre, Barbie kinikilig

BARBIE and Andrei Paras

Andre Paras unti-unti na nga bang nahuhulog kay Barbie?

Inamin ng teen actor na si Andre Paras na nakakaramdam siya ng kilig sa kanyang on-screen partner na si Barbie Forteza.

Dagdag pa niya, ang smile ni Barbie ang isa sa mga nagustuhan niya sa teen actress. “It’s her smile. Nakakahawa kasi yung smile niya. When you see her smile, buhay na naman ang taping at happy na naman sa set,” paglalahad niya.

Partners ang dalawa sa “That’s My Amboy” series ng GMA.

Samantala, inamin ni Barbie Forteza na may nagpapakilig sa kanya. Hindi dineny ng award-winning actress na si Barbie Forteza ang balitang merong nagpapakilig sa kanya ngayon.

Ayon pa sa kanya’y masaya ngayon ang estado ng kanyang puso at merong nagpapasaya sa kanya. “As Barbie, sobrang happy ako ngayon. Inspired ako,” nangingiting pag-amin ng magandang aktres.

comments