Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai-Ai magiging lola na

Ai-Ai magiging lola na

aiai

MAGIGING lola na si Ai-Ai de las Alas. More than one month pregnant ang girlfriend ng panganay niyang anak na si Sancho.

Sobrang excited na si Ai-Ai ma-ging lola, pero aniya, hindi siya patatawag na lola. Muji ang gusto niyang itawag ng magiging apo niya. ’Yun daw ang modern term ng millenials ngayon.

Mauunahan ni Ai-Ai ma-ging lola ang idol niyang si Governor Vilma Santos-Recto. Sabik nang magkaapo ang actress-politician sa panganay niyang anak na si Luis Manzano. Botong-boto pa naman siya kay Angel Locsin para maging daughter-in-law at maging ina ng magiging apo niya. Kaya lang, nag-break sina Angel at Luis.

Hindi kaya mauna pa si Ryan Christian (pangalawang anak ni Gov. Vi kay Senator Ralph Recto) sa kanyang Kuya Luis na mabigyan ng apo ang kanilang mommy Vi? May girlfriend na rin si Ryan at aprub ’yun kay Gov. Vi.

Sa isang interbyu, sinabi ni Gov. Vi na ayaw niyang patawag na lola kapag nagkaapo siya. Ano naman kaya ang gusto niyang itawag sa kanya? Momskie o momsky (as in mommy)?

comments