Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julie Ann readies 10th anniversary show

Julie Ann readies 10th anniversary show

JULIE Anne San Jose

Handang-handa na ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose para sa gaganaping big concert niya sa May titled “In Control”.

Excited nga ang Asia’s Pop Sweetheart nang makipag-meeting na ito sa kanyang magiging team na mag-aasikaso sa pagbuo ng kanyang nalalapit na concert.

Huling big concert ni Julie Anne ay ang “Hologram” noong December 2014 pa.

Ang upcoming concert niya ay magaganap sa KIA Theater at the Araneta Center in Quezon City.

Special ang concert na ito dahil iha-highlight nito ang mga importanteng events sa buhay ni Julie Anne.

Una rito ay birthday month niya ang May. Julie Anne will be turning 22 sa May 17.

Pangalawa ay mag-celebrate siya ng ika-10th anniversary niya sa showbiz. Nagsimula si Julie Anne sa singing contest ng QTV-11 na Popstar Kids in 2006. Nakasabay pa niya rito ay si Rita de Guzman na isa sa singers at kontrabidang Kapuso network.

Pangatlo ay ang pag-graduate niya sa college with a degree in Communication Arts from Angelicum College.

N-reveal ni Julie Anne na inayawan ng kanyang ama ang pagpasok niya sa showbiz. Mas gusto raw nitong makatapos siya ng pag-aaral kesa mag-artista.

“Kasi si Dad before, ayaw niya talaga ng showbiz.

“But I want this, I decided na ito ‘yung piliin kong track pero mag-aaral talaga ako.

“Isa talaga ito sa mga pinakamagandang ibigay na regalo sa mga magulang,” ngiti pa niya.

Sa magaganap nga niyang concert na “In Control,” kasama si Julie Anne sa pagbuo ng concept dahil special event ito sa buhay niya.

“Hindi lang doon sa mismong look, pati ‘yung change, at the same time ‘yung music na rin, ‘yung genre,” ngiti pa niya.

Ilalabas na rin ng GMA Records ang ikaapat na studio album ni Julie.

Follow up ito sa tatlong albums ng Kapuso singer-actress na umani ng multi-platinum record awards. (RUEL J. MENDOZA)

comments