Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris gifts herself with trip to UK

Kris gifts herself with trip to UK

Kris Bernal

Tradisyon na para sa Kapuso actress na si Kris Bernal na tuwing may natatapos siyang teleserye, ang pagbakasyon sa ibang bansa ang nagiging treat niya para sa kanyang sarili.

Paraan na rin ito ni Kris para makapagpahinga ng mahaba at maka-bonding niya ang kanyang pamilya.

Kapag may teleserye raw kasi siya, halos hindi na niya nakakasama ang kanyang pamilya.

Kaya ang mga out-of-the-country trips ang kanyang pambawi sa mga nawalang oras at panahon niya sa kanyang mga mahal sa buhay.

Last year ay sa Australia pumunta si Kris, this year naman ay sa United Kingdom ang biyahe niya kasama ang kanyang twin sisters na sina Katie Ann at Kate.

First time raw makakapunta ng U.K. si Kris kaya excited na ito sa biyahe niya ngayong April.

Ang pagbiyahe nga na ito ni Kris ay kaugnay din ng kanyang 9th year anniversary sa showbiz at parang advance birthday gift na para sa kanyang sarili. May ang birthday month ni Kris.

Pinost na nga niya ang pagbiyahe niya sa kanyang Instagram account:

“Every year, I make sure I travel out of the country! It usually happens every after I finish a soap! Last year, I visited Australia! This year, I’m going to United Kingdom with my twin sisters @katieannbernal& @katebernal!

“A well-deserved treat for myself in celebration of my 9th year anniversary in showbiz, success of #LittleNanay, and upcoming birthday on May! England, Scotland, North Wales, Ireland, SEE YOU!”

And since nasa London na si Kris, gusto niyang magkaroon ng meet and greet event sa mga Kapuso fans doon.

Personal niyang ini-request ito sa GMA Pinoy TV.

Nag-post si Kris sa kanyang IG account ng kanyang pakikipag-meeting:

“Earlier today I had a meeting with my @gmapinoytv family to discuss about my meet and greet event in London!

Getting more excited! I personally went to their office last week to ask if I could get a chance to meet and spend time with our kababayans since I’m going to be in London already! And it’s a YES!!! Thank you @gmapinoytv for making it possible! So see you real soon #TeamAbroad!!!” (RUEL J. MENDOZA)

comments