Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Osang to wed lesbian partner twice this year

Osang to wed lesbian partner twice this year

ROSANNA Roces

HINDI lang once but twice magpapakasal si Rosanna Roces sa lesbian partner niyang si Blessy Arias. Una silang magpapakasal sa Canada sa August this year at sa December dito sa Pilipinas, same year.

Ayon sa isang informant, isang Aglipayan church minister ang mag-o-officiate ng kasal nina Rosanna at Blessy dito sa Pilipinas. Isang negosyante at diumano’y may mga real estate property at mga paupahang bahay sa Mindoro ang lesbian partner ni Rosanna.

Sina Aiza Seguerra at Liza Dino kaya ang peg nina Rosanna at Blessy? Dalawang beses ding nagpakasal sina Aiza at Liza. Una’y sa Las Vegas, USA at pangalawa’y sa Pilipinas, sa isang private resort somewhere sa North. Anila, celebration of union lang ang naganap sa kanila.

Mahigpit ang pagtutol ni Manny Pacquiao sa same-sex marriage. Nagalit sa kanya ang LGBT community. Aiza at Rosanna could not care less kung tutol si Pacquiao. Basta happy lang sila sa kanilang respective partners. Walang basagan ng trip, ’ika nga.

comments