Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Wally Bayola’s daughter battling tumor, leukemia

Wally Bayola’s daughter battling tumor, leukemia

Wally and Daughter

NAKAKABILIB talaga si Wally Bayola. Sa kabila ng matinding pinagdaraanan niya bilang isang ama dahil may sakit ang isa niyang anak, napaka-professional niya sa kanyang trabaho.

Hindi mababakas na may matinding pagsubok kay Wally kapag nasa kalyserye siya ng “Eat Bulaga.” Bonggang-bongga pa rin niyang naitatawid ang karakter niya bilang lola Nidora.

Kumalat sa social media na bukod sa may orbital tumor ang dalagang anak ni Wally, na-diagnose pa na may kakaibang uri ng leukemia ang dalaga, kaya humihingi ng dasal ang pamilya ni Wally. May ilang taon na ring nakikipaglaban sa kanyang sakit ang anak ni Wally na labas-pasok sa hospital. Hindi biro ang gastos na binabalikat ni Wally, maisalba lang ang buhay ng kanyang anak.

Nananatiling matatag si Wally at nananalig siyang malalampasan niya at ng kanyang pamilya ang matinding pagsubok na ito.

Si Wally ang saktong ehemplo ng dalawang mukha ng showbiz, isang nakangiti, isang malungkot. Marami siyang napapangiti at napapasaya sa “Eat Bulaga” at kapag nagso-show siya sa isang comedy bar. Sa likod ng kanyang pagpapatawa ay naitatago niya ang lungkot sa puso niya bilang isang ama.

comments